1.02.2009

Reunionologies

JANUARY 2, 2009 - a day after New Year's Day, may 3 lakad ako: (1) get togother ng LYC, (2) reunion with highschool kada and (3) kainan and gala with CSB friends c/o Van. Dahil di ako pinayagan sa LYC get together dahil sa masyado raw malayo ang MOA, dun na lang ako sa reunion ng highschool kada ko. Dun kela Van, hindi na pwede kasi nauna na ako nag-oo sa reunion namin. Super fun day. Nakakamiss ang buhay highschool super.

REUNION - ito yung dahilan bakit nagkita-kita kami kanina. Kasi miss na namin ang isa't-isa. Ito yung pagsasama ng mga topakin, pasaway, makukulit at ewan na mga tao.

TROPANG PASAWAY + BJ - mga kabarkada ko nung highschool, mga ka-reunion ko. Tropang Pasaway = Ako, Ache, Abbey at Leo (err. Kabute?) + Gerome (Tukmol) at si BJ (Higante) pero di nakapunta si Gerome dahil may office raw siya, ewan, nagsisipag. Holiday naman. Wah. Isang Comsci (ako), Advertising (Abi), Computer Engineering (BJ) at dalawang Accounting (Ache at Lei). Si Gerome nga, nagtatrabaho na sa isang office somewhere in Intramuros. Mga taong pasaway. Mga adik. Mga malalakas magtrip. Mga totoong kaibigan.

TRINOMA - Triangle North Manila, yun sabi ni Abbey na meaning ng TriNoMa, nabasa raw niya yan sa Manila Bulletin kaya walang aangal, walang kokontra. Dito kami nagreunion. Dito kami lagi nagrereunion. Peyborit hang-awt namin.

MUKHA NI KFC AT SA MAY "M" NG MCDO - nasa 1st floor ng Trinoma, sa may activity center. Dito pinapupunta ang mga kaibigan pag late sila at hinahanap ka na nila dahil anjan na sila, at kami.. Nasa 3rd floor, pinapanood sila paano mawindang sa kakahanap sa amin. Pano kami nakita? "Tumabi ka sa mukha ni KFC, tumalikod ka. Hanapin mo kami dun, yung mga kumakaway na mukhang ewan. After 48 years, nakita na rin kami sa wakas.

THE RIGHT PLACE AT THE RIGHT TIME - linyang bagay na bagay kapag kumakain ka Chowfan sa foodcourt ng Trinoma tapos makikita mo pababa sa escalator yung mga lab na lab mong friends. Saktong-sakto. Patapos na pati ako kumain nun, mga isang kutsara na lang.

TIMEZONE - eto lagi naming pinupuntahan sa Trinoma. Arcade. Laging blockbuster. Marami kang makikitang mga adik. Siksikan lagi. Kahit konti lang tao sa mall, pag pumunta ka sa Timezone, maiintindihan mo bakit konti lang tao sa mall - sangkatutak kasi ang nasa Timezone. Haha.

ADIKS - Makikita sa dalawang Timezones sa Trinoma. Mga taong hindi kumukurap ang mga mata dahil nakatitig sa screens ng nilalaro nila at kahit wala na sa harap ng arcade machines, eh, sige pa rin yung kamay nila sa kapapalo sa mga 'imaginary' machines. Mga isang oras mahigit ang hihintayin mo para makagamit ka ng ginagamit nilang games.

SQUIRTING FOUNTAIN - pangalan ng isang fountain sa park sa Trinoma. Yung may fountain sa 1st floor na magssquirt ng tubig papuntang 2nd floor tapos papuntang 3rd floor at papuntang 4th floor pa yata. Basta nagssquirt siya at ang cool niya, nalimutan ko lang kung ilang floors yung fountain na yun. Bansag ni Abbey yan.

BLUETOOTH - yan ang kailangan mong i-on ayon sa mababasa mo sa isang advertisement whatever sa labas ng Timezone na mas konting tao. May FreeBs daw. Kaya kami, on agad. Walang virus virus! Basta may libre, walang takot-takot! XD

FreeB - yan raw yung makukuha mo pag nag-on ka ng Bluetooth sa Timezone. Basta sa TriNoma.

TRIPLETS - magkakapatid na adik na naglalaro sa mas konting taong Timezone. Mga adik sa Guitar Freaks at Drum Mania yata yun, basta yung parang may mga non-stick fry pans na nakakabit sa machine tapos may mga ilaw-ilaw na blue, green, red, basta may colors. Mga rich kids, gold na ang Timezone card at mukhang lumaki sa loob ng Timezone. Hayup sobra kung magsipag-laro.

BATTERY - Mortal enemy ko sa tuwing may lakad ako. Kung kelan ko kailangan, saka pa nadedead ang battery ko. Pano na yung pictures niaaaan. Tsk.

PUTI - suot ng mga kasama ko nung nag-reunion kami. Kala mo pinagusapan na may color coding sa paggamit, pero wala.

JACKETS - suot ng mga tao pag malamig. May iba-ibang style.

DRUMSTICKS - mga kahoy na nakaipit sa bag ko. Pinagkakamalan akong tumutugtog sa banda dahil dito. May gusto pa ngang makijamming sa akin eh. Kala mo naman marunong ako? Haha! Pwede pa, strawberry jamming. Hehe.

BASKETBALL - paboritong game sa arcade. Naka-score ako ng 111 lang. Wahuhu. Blockbuster ang pila. Maraming mga adik na umaabot sa libo ang scores.

GHOST SQUAD - arcade game na baril-barilan chever. Uniform ko dun is Ninja and yung weapon ko eh.. ewan. Basta baril! Dahil dito, naturingan akong war freak nila Abbey. Haha!

BATUHAN GAME SA ARCADE - nalimutan ko yung pangalan nung game eh, basta may mga kailangan kang batuhin sa screen using small, colorful balls. Super blockbuster rin. Kahit isang swipe lang, isang batalyon ang pwedeng maglaro.

FOODCOURT - lugar na may mga upuan tapos maraming mga kainan. By 4's ang majority sa mga upuan don. Sa pinakababa ng Trinoma. Katabi lang ng Landmark na grocery. Dito nagpupunta kapag mga gutom at pagod na after magpaka-panic mode sa Timezone.

GIDRUMS at +20EXTRASTRONGPHONE (tama ba? hehe. ) - Eto yung mga sinendan ni Abbey ng picture ng cake thru bluetooth nung nagtrip kami. Yun pala, bluetooth yun ng mga kasamahan namin. Ang ewan lang. Haha!

ANGELICA DELA CRUZ - artistang nakasalubong namin nung papasok kami ng CR sa may foodcourt. May narinig pa akong siya raw si 'Angelica Panganiban". Haha.

CHOWKING - Lahat ng kinain ko ngayong araw eh puro Chowking. Haha! Pero ok lang, wala namang kasawaan sa pagkain.

CHOWFAN - inorder ko nung lunch at eto rin yung tinreat sakin ni BJ nung dinner/snack time namin. With matching dumplings pa. Hehe.

TOY STORE - pinupuntahan ng mga college students kapag namimiss nila ang kanilang kamusmusan. Para mag-enjoy sa katitingin ng mga toys kahit wala ka naman talagang balak bumili.

CHOPSTICKS - Eto ang ginagamit sa pagkain ng rice. Bawal itusok sa Chowfan kasi bad manners yun, dapat nakalapag lang.

SPOON - ginagamit kapag hindi mo na kayang i-chopsticks ang Chowfan.

BENDABLE STRAW - straw na binibigay sa Chowking. Pag tanga ka at hindi mo tinitingnan nang mabuti, aakalain mo ordinary straw lang yun until makita mo sa kasama mong umorder rin sa Chowking na bendable yung sa kanya. Saka mo lang marerealize na baliktad pala yung lagay mo ng straw sa iced tea at magiging dahilan ng laugh trip ng buong barkada.

ENTRANCE / EXIT - mga doors sa Trinoma na may sensor. Pag tumayo ka sa harap nun, automatic bubukas ang pinto. Kung malakas trip mo at malakas loob mo, tumayo ka lang sa harap nung entrance o exit para never na sumara yung pinto, pati ikaw never na aalis dun at bukod sa pagtitinginan ka ng tao, malamang mapapagalitan ka rin at iisiping ang weird-weird mo.

BAHA - makikita sa poster ng Trinoma sa harap ng SM na side. Sabi dun na nanalo raw ang Trinoma sa architecture and design sa Asia, 2nd place. Pero pansinin mo, imbes na kalsada yung nasa harap ng Trinoma sa poster (tarp whatever), eh may baha, parang river!

UE LETRE - bus na sinasakyan namin pauwi pag galing Trinoma. Mahaba ang nilalakad. Swerte mo pag makasakay ka kaagad.

930 PM - yan ang oras ng uwi kapag nag-enjoy ka sa reunion niyo. =D

0 comments: